![]() |
| Image[1] |
![]() |
| Image[2] |
![]() |
| Image[3] |
Makikita at mahahalata naman natin na hindi mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang mga ito mismo sa kanilang mga post. I-Analyze natin:
Sa post na ito, makikitang hindi sya kaanib ng Iglesia Ni Cristo dahil sa paggamit nya ng salitang langit. Typically, hindi langit ang termino sa patutunguhan ng mga tunay na lingkod sa araw ng paghuhukom.
Para malaman, maaaring magtanong sa isang masiglang kaanib na Iglesia Ni Cristo o sa mga ministro at manggagawa.
Hindi ko I-i-include dito dahil baka sa susunod na post nila ay gamitin nila para mas magmukha silang tunay na INC
Sa tweet na ito, malalaman na hindi sya INC dahil sa paggamit ng Dios Ama. Hindi kami ganito usually mag-address sa aming Diyos na sinasamba.
Sa sunod nyang tweet, muli, gumamit sya ng salitang "langit" isa pang salita na hindi namin masyadong ginagamit na term: "impyerno".
Para malaman, maaaring magtanong sa isang masiglang kaanib na Iglesia Ni Cristo o sa mga ministro at manggagawa.Hindi ko I-i-include dito dahil baka sa susunod na post nila ay gamitin nila para mas magmukha silang tunay na INC
========================================================================
Isa pa ito, sa lahat ng nakikita kong post na nagpapanggap na INC, ito yung pinakapalpak at halatang katoliko. (Hindi ko sinasabing lahat ng katoliko ay ganito, sadyang halatang isa syang katoliko) Paano ko nasabing katoliko sya?
Pagmasdan at basahin nyo ang post nya, ginamit nya ang salitang SIMBAHAN, na alam na alam natin na hindi ginagamit naming mga Iglesia Ni Cristo sa pagtawag ng aming mga ipinapatayong templo para pagdausan ng pagsamba.
Para malaman, maaaring magtanong sa isang masiglang kaanib na Iglesia Ni Cristo o sa mga ministro at manggagawa.Hindi ko I-i-include dito dahil baka sa susunod na post nila ay gamitin nila para mas magmukha silang tunay na INC
========================================================================
Panahon pa lamang hi yolanda, marami nang gumagawa nito.
Sa mga kababayan po namin na nakababasa ng mga ganito, huwag po kayong magalit sa aming mga Iglesia Ni Cristo dahil hindi po kami ganyan. Kung susubukan ninyong magbasa ng mga religious forums sa mga thread sites, mapapansin nyo naman kung sino ang mga may ganyang style ng pagpopost at pagcocomment.
NANANAWAGAN PO KAMI SA PAMAHALAAN NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, KUNG ANO MANG DEPARTAMENTO ANG NAKAKASAKLAW SA PAGTE-TRACE NG MGA TAONG GUMAGAWA NITO. KAILANGAN PO NAMIN NG TULONG NINYO. MASYADO NA PONG NAKAKASIRA SA REPUTASYONG NG MGA IGLESIA NI CRISTO NAPAGBIBINTANGAN PO KAMING MGA WALANG PUSO AT MAYAYABANG.






No comments:
Post a Comment